Ang una namin gawain sa Filipino ay ang pagbubuod ng istoryang "Si Mabuti"sa pamamagitan nang pagsulat ng Simula, Gitna, at Wakas nito.Ito pala ang kinalabasan ng gawain namin.
SIMULA- Nagsimula ang lahat sa isang walang pintang paaralan na kung saan si Mabuti kinakitaan. Isa ito sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdanang umiingit sa bawat hakbang. Si Mabuti ang tawag sa kaniya pag nakatalikod at sa salitang iyon nagsisimua ang halos lahat ng kaniyang mga salita.
GITNA- Sa isang sulok ng silid aklatan, pinilit ni Fe na lutasin ang kaniyang suliranin sa pagluha at doon niya nailabas ang kaniyang emosyon. Nang bigla siyang lapitan ni Ms. Mabuti at tinanong siya nito kung ano kaniyang naging problema. Nakinig naman ito ng mabuti hanggang sa matapos nang magsalita si Fe. Bakas naman sa mukha ni Ms. Mabuti ang lungkot at mabigat na problema na kaniyang dinadala. Kinaumagahan, agad niyang naitago ang lungkot na nadarama matapos ang kanilang pag uusap kahapon. Habang silaý nasa klase ay binanggit ni Ms. Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na babae at ni minsan hindi nito nabanggit ang tungkol sa ama nito. Ibig ni Ms. Mabuti na maging doktor ang anak niya katulad ng ama nito. Nabalitaan niya nalang na isang araw na pumanaw na ang bata ngunit hindi ito sa tahanan ni Ms. Mabuti nakaburol. Mula noon, naintindihan ni Fe ang mga pangyayari...
Yan po ang nagawa kong buod. Pasensiya na nakalimutan ko ang may akda ng kwento.
No comments:
Post a Comment