Tuesday, June 30, 2015



Ngayong araw ay naglesson kami tungkol sa mga pang-abay..


      Ang pang-abay pala ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb), at kapwa pang-abay.

      PANG-ABAY NA PAMANAHON (adverb of time)
            nagsasaad kung kailan naganap, ginaganap, at gaganapin ang isang pangyayari o kilos.

Halimbawa:
     1. Pupunta ako bukas sa palengke.
      2. Si Ana ay nagpunta sa simbahan kahapon.

    Ang pang-abay na pamanahon ay may 3 uri: May pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Walang pananda
    Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.

May pananda
    Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang.

Nagsasaad ng Dalas
    Araw-araw, tuwing, taun-taon, buwan-buwan.

No comments:

Post a Comment