Tuesday, June 16, 2015

Anim na Sabado ng Beyblade


ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
   UNANG SABADO- Nang paglabas ni Rebo sa hospital, hiniling niya na magdiwang na nang kaniyang kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ang Tatay ni Rebo ng maraming tao kasabay ng biling wag kalimutan ang pagbati ng "Happy Birthday Rebo" at ang mga regalo. Maraming natanggap na regalo si Rebo. Pero ang pinakapaborito nito ay ang beyblade.

IKALAWANG SABADO- Naki-bertdey si Rebo tsaka naglaro ng beyblade matapos ito. 3 araw bago ang ikatlong sabado, dinalaw si Rebo ng tatay niya. Si Rebo daw ay unti-unti nang nanghihina. Bihira na raw ito ngumiti. Hindi na makuhang laruin ang beyblade. Humingi pa raw ito ng pera pambili ng kendi ngunit di niya rin naman ito nakain.

IKATLONG SABADO- Tuluyan nang nakalbo si Rebo. Kinumbida ng tatay ni Rebo ang kasama nito sa trabaho na magsuot ng mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Kahit hindi makatawa o makangiti si Rebo, makikita ang kasiyahan nito sa kaniyang mata.

IKAAPAT NA SABADO- Di na makuhang ipasok ni Rebo ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam ng tatay niya na pagod ni Rebo at hingal sa kanyang pagsasalita. Nang dinala niya ito sa karnibal, helicopter na nagtataas baba ang sinakyan lang nito. Pagkauwi ay humiga nang humiga at paulit ulit na tumingin sa kawalan si Rebo.

IKALIMANG  SABADO- Pumanaw na si Rebo. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mata at pagtirik ng mata. Ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Hinintay muna ni Rebo ang kaniyang ama na dumating tsaka siya nagpaalam dito. Namatay si Rebo sa bisig ng kaniyang ama.

IKAANIM NA SABADO- Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal sa kaniya. Payapa na siyang nakahimlay sa kabaong kasama ang beyblade niya. Magkasamang tutungo sa lugar na kung saan walang gutom, walang hirap. Habang ang mga naiwan ay pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

Ang sabi ng aming guro, ang beyblade ay ang tumutukoy sa buhay natin..Sa una, itoý napakabilis at maybuhay pero habang tumatagal, unti-unti itong humihina hanggang sa hindi na nito kayang umikot pa. Isa din po pala itong buod :)

1 comment: