ANG UNANG ROSAS
Sa bayan ng Majesty, ay may naninirahan ang isang napakagandang babae na nagngangalang Rosie. Nasa kanya na ang lahat: magagarang bagay; mga damit; at nabibili niya ang ano mang naisin niya. Halos perpekto na ang buhay niya subalit may isang bagay na wala siya: pagmamahal. Dahil abala ang mga magulang niya sa kaniya-kaniya nilang trabaho, nawawalan na ito ng oras kay Rosie. Kahit sa pagkain ay mag-isa siyang kumakain. Dahil na rin sa kulang siya sa pagmamahal, naging masama siya.Tuwing pumapasok siya sa paaralan, lahat ng tao ay napapatingin sa kaniya. Si Joyce, Laica, Alyssa, Johanna at Abbie ay ang kaniyang mga matatalik na kaibigan na pawang may mga kasintahann na. Si Alyssa ay isang diwata. Siya'y prinsesa sa kanilang kaharian ngunit di ito alam ni Rosie at ng iba. Dahil nga sa may kasintahan na ang mga ito, nawawalan na rin ito nang oras kay Rosie. Nagalit noon si Rosie dahil wala na ngang oras sa kaniya ang mga magulang niya, ay pati ang mga kaibigan niya ay wala na rin oras sa kaniya. Pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kaniya.
Mula ng araw na yon, siya'y naging playgirl. Araw-araw ay iba-iba ang mga lalaking nagiging kasintahan niya. Minsan ay kinausap siya ni Laica.
"Friend, bakit ka naging ganyan? Masamang paglaruan ang feelings ng iba." ani Laica.
"Whatever Laica! Wag mo akong pakialaman. Dun ka nalang kay Harry mo. Tsaka diba wala na kayong oras sa akin? So why care?" pataray na sabi ni Rosie.
Nasaktan si Laica sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Hindi na ikaw ang kaibigan ko. Pasensiya ka na kung nawawalan na kami ng oras sayo. Pero tandaan mo na mahal ka namin, sadyang di lang talaga sayo palaging umiikot ang mundo namin." sabi ni Laica na naluluha.
Si Rosie naman ay ipinagpatuloy ang masama niyang gawain. Dumating sa puntong nang-aagaw na siya ng kasintahan ng may kasintahan. Ginagamit niya ang kaniyang kagandahan upang maakit ito. Labis na pinagtataka ng mga kaibigan niya kung anong nangyayari sa kaibigan nila. Halos araw-araw ay laman ng mga bulung-bulungan si Rosie sa loob ng kanilang paaralan. Nakonsensya sila dahil sila ang isa sa dahilan kung bakit nagbago ito.
"Rosie, gusto ka naming makausap"sabi ni Abbie.
"Paano kung ayaw ko? You're wasting my precious time." pataray na sabi ni Rosie.
"Ba't ka ba nagkakaganyan?" ani Alyssa.
"Wala kayong paki. Tapos na ang pagkakaibigan natin siula ng mawalan kayo oras sakin."
"Pero Rosie---------" Joyce
"Wala nang per-pero. Our friendship is over. Stop bothering me!"
Lumakad nalang na may lungkot sa mata ang kaniyang mga kaibigan.
Matapos ang kanilang pag-uusap, nakaisip siya ng isang maitim na plano. Naisip niya na agawin ang kasintahan ng mga dati niyang kaibigan.
Unti-unti niyang sinimulan ang kaniyang plano. Una si Daniel, ang kasintahan ni Abbie. Walang kahirap-hirap na naagaw niya ito dahil sa taglay niyang kagandahan. Sunod naman si Steven at Harry. Pinagsabay-sabay niya silang tatlo at pakatapos ng ilang araw, iniwan niya rin ang tatlo. Labis ang tuwa niya ng makitang nasasaktan at umiiyak ang dating mga kaibigan. Sumunod naman si Mario. Tumagal lamang sila ng 3 oras. Sa huli ay si John, kasintahan ni Alyssa. Sila ay 4 na taon nang magkasintahan kaya alam ni Rosie na lubos na masasaktan si Alyssa kung maaagaw niya si John. Di nga siya nabigo dahil naagaw niya ito dahil na rin sa taglay niyang alindog. Labis ang tuwa niya dahil sa loob ng 4 na taon ay hindi pa lubos na mahal ni John si Alyssa. Labis naman na nagalit si Alyssa sa kaniya.
Isang araw habang silang dalawa lang ni Rosie sa parke ay kinausap niya ito.
"Tumigil ka na sa pagiging playgirl at pang-aagaw ng mga kasintahan ng may kasintahan."- Alyssa
"Paaano kung ayaw ko?" - Rosie
"Rosie, tama na please. Nakuha mo na pati si John, ano pa ba ang gusto mo?"
"Wala ka na dun." - Rosie
"Pag di ka tumigil." - Ayssa
"Ano? Anong gagawin mo?" - Rosie
Dahil sa sobrang galit ni Alyssa ay napilitan siyang gamitin ang kapangyarihan niya. Binago niya si Rosie na isang bagay na maganda pag iyong tiningnan ngunit maaari kang masaktan pag iyong hinawakan ito. Kung dati na dahilan si Rosie sa paghihiwalay ng mga magkasintahan, siya na ngayon ang dahilan ng pagkalapit ng mga puso nila.
LESSON: Darating din ang taong magmamahal sayo ng totoo.
Di mo kailangan manakit ng nararamdaman ng isang tao.
Di lang sayo umiikot ang mundo.

No comments:
Post a Comment