Monday, February 29, 2016

Tula

 Ngayong araw ay naglesson naman kami tungkol sa tula..

     TULA- isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipapahayag ang damdamin sa malayang pagsulsulat. Binubuo ito ng saknong at taludtod.
MGA URI NG TULA:
    A.     Ayon sa kaanyuan
    B.     Ayon sa kayarian
    C.     Ayon sa layon
    D.     Ayon sa pamamaraan
    E.      Ayon sa bias
    F.      Ayon sa kaukulan
AYON SA LAYON
Ø  Mapaglarawan- naglalarawan ng pagpapahalagao pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.
Ø  Mapagpanuto- namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod.
Ø  Mapang-aliw- nagbibigay- aliw o limilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay nagpapatawa, nanunudyo o isang masigasig na palaisipan.
Ø  Mapang-uroy- nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay.

ELEHIYA- tulang may kinalaman sa guniguni tugkol sa kamatayan.
Nagbigay sa amin ng gawain ang aming guro na gumawa ng tula ngunit nawala ang kopya ng ginawa ko kung kaya't hindi ko maibabahagi sa inyo ang aking gawa..

No comments:

Post a Comment