Tuesday, June 30, 2015



Ngayong araw ay naglesson kami tungkol sa mga pang-abay..


      Ang pang-abay pala ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb), at kapwa pang-abay.

      PANG-ABAY NA PAMANAHON (adverb of time)
            nagsasaad kung kailan naganap, ginaganap, at gaganapin ang isang pangyayari o kilos.

Halimbawa:
     1. Pupunta ako bukas sa palengke.
      2. Si Ana ay nagpunta sa simbahan kahapon.

    Ang pang-abay na pamanahon ay may 3 uri: May pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Walang pananda
    Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.

May pananda
    Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang.

Nagsasaad ng Dalas
    Araw-araw, tuwing, taun-taon, buwan-buwan.

Monday, June 22, 2015

Alamat

Ngayog araw ay naglesson kami tungkol sa alamat... Ano nga ba ang alamat??


      ALAMAT- panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang katawagan naming ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang kahulugan ay “upang mabasa”.


Matapos namin maintindihan kong paano gumawa ng isang alamat, nagbigay saamin ng gawain ang aming guro pang gumawa ng sariling alamat....

Ang Unang Rosas

  Isa sa mga gawain namin ay ang paggawa ng isang alamat. Ito'y mahirap sa paggawa lalo na at sarili mong kwento ang iyong gagawin. Ito ang kinalabasan ng aking imahenasyon. Sana magustuhan niyo.


ANG UNANG ROSAS
      Sa bayan ng Majesty, ay may naninirahan ang isang napakagandang babae na nagngangalang Rosie. Nasa kanya na ang lahat: magagarang bagay; mga damit; at nabibili niya ang ano mang naisin niya. Halos perpekto na ang buhay niya subalit may isang bagay na wala siya: pagmamahal. Dahil abala ang mga magulang niya sa kaniya-kaniya nilang trabaho, nawawalan na ito ng oras kay Rosie. Kahit sa pagkain ay mag-isa siyang kumakain. Dahil na rin sa kulang siya sa pagmamahal, naging masama siya.
     
       Tuwing pumapasok siya sa paaralan, lahat ng tao ay napapatingin sa kaniya. Si Joyce, Laica, Alyssa, Johanna at Abbie ay ang kaniyang mga matatalik na kaibigan na pawang may mga kasintahann na. Si Alyssa ay isang diwata. Siya'y prinsesa sa kanilang kaharian ngunit di ito alam ni Rosie at ng iba. Dahil nga sa may kasintahan na ang mga ito, nawawalan na rin ito nang oras kay Rosie. Nagalit noon si Rosie dahil wala na ngang oras sa kaniya ang mga magulang niya, ay pati ang mga kaibigan niya ay wala na rin oras sa kaniya. Pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kaniya.

       Mula ng araw na yon, siya'y naging playgirl. Araw-araw ay iba-iba ang mga lalaking nagiging kasintahan niya. Minsan ay kinausap siya ni Laica.

     "Friend, bakit ka naging ganyan? Masamang paglaruan ang feelings ng iba." ani Laica.

     "Whatever Laica! Wag mo akong pakialaman. Dun ka nalang kay Harry mo. Tsaka diba wala na kayong oras sa akin? So why care?" pataray na sabi ni Rosie.

      Nasaktan si Laica sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

     "Hindi na ikaw ang kaibigan ko. Pasensiya ka na kung nawawalan na kami ng oras sayo. Pero tandaan mo na mahal ka namin, sadyang di lang talaga sayo palaging umiikot ang mundo namin." sabi ni Laica na naluluha.

     Si Rosie naman ay ipinagpatuloy ang masama niyang gawain. Dumating sa puntong nang-aagaw na siya ng kasintahan ng may kasintahan. Ginagamit niya ang kaniyang kagandahan upang maakit ito. Labis na pinagtataka ng mga kaibigan niya kung anong nangyayari sa kaibigan nila. Halos araw-araw ay laman ng mga bulung-bulungan si Rosie sa loob ng kanilang paaralan. Nakonsensya sila dahil sila ang isa sa dahilan kung bakit  nagbago ito.

    "Rosie, gusto ka naming makausap"sabi ni Abbie.

    "Paano kung ayaw ko? You're wasting my precious time." pataray na sabi ni Rosie.

   "Ba't ka ba nagkakaganyan?" ani Alyssa.

   "Wala kayong paki. Tapos na ang pagkakaibigan natin siula ng mawalan kayo oras sakin."

    "Pero Rosie---------" Joyce

    "Wala nang per-pero. Our friendship is over. Stop bothering me!"

    Lumakad nalang na may lungkot sa mata ang kaniyang mga kaibigan.

   Matapos ang kanilang pag-uusap, nakaisip siya ng isang maitim na plano. Naisip niya na agawin ang kasintahan ng mga dati niyang kaibigan.

     Unti-unti niyang sinimulan ang kaniyang plano. Una si Daniel, ang kasintahan ni Abbie. Walang kahirap-hirap na naagaw niya ito dahil sa taglay niyang kagandahan. Sunod naman si Steven at Harry. Pinagsabay-sabay niya silang tatlo at pakatapos ng ilang araw, iniwan niya rin ang tatlo. Labis  ang tuwa niya ng makitang nasasaktan  at umiiyak ang dating mga kaibigan. Sumunod naman si Mario. Tumagal lamang sila ng 3 oras. Sa huli ay si John, kasintahan ni Alyssa. Sila ay 4 na taon nang magkasintahan kaya alam ni Rosie na lubos na masasaktan si Alyssa kung maaagaw niya si John. Di nga siya nabigo dahil naagaw niya ito dahil na rin sa taglay niyang alindog. Labis ang tuwa niya dahil sa loob ng 4 na taon ay hindi pa lubos na mahal ni John si Alyssa. Labis naman na nagalit si Alyssa sa kaniya.

    Isang araw habang silang dalawa lang ni Rosie sa parke ay kinausap niya ito.

   "Tumigil ka na sa pagiging playgirl at pang-aagaw ng mga kasintahan ng may kasintahan."- Alyssa

    "Paaano kung ayaw ko?" - Rosie

    "Rosie, tama na please. Nakuha mo na pati si John, ano pa ba ang gusto mo?"

   "Wala ka na dun." - Rosie

   "Pag di ka tumigil." - Ayssa

   "Ano? Anong gagawin mo?" - Rosie

   Dahil sa sobrang galit ni Alyssa ay napilitan siyang gamitin ang kapangyarihan niya. Binago niya si Rosie na isang bagay na maganda pag iyong tiningnan ngunit maaari kang masaktan pag iyong hinawakan ito. Kung dati na dahilan si Rosie sa paghihiwalay ng mga magkasintahan, siya na ngayon ang dahilan ng pagkalapit ng mga puso nila.

LESSON: Darating din ang taong magmamahal sayo ng totoo.
                  Di mo kailangan manakit ng nararamdaman ng isang tao.
                  Di lang sayo umiikot ang mundo.

Tuesday, June 16, 2015

Anim na Sabado ng Beyblade


ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
   UNANG SABADO- Nang paglabas ni Rebo sa hospital, hiniling niya na magdiwang na nang kaniyang kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ang Tatay ni Rebo ng maraming tao kasabay ng biling wag kalimutan ang pagbati ng "Happy Birthday Rebo" at ang mga regalo. Maraming natanggap na regalo si Rebo. Pero ang pinakapaborito nito ay ang beyblade.

IKALAWANG SABADO- Naki-bertdey si Rebo tsaka naglaro ng beyblade matapos ito. 3 araw bago ang ikatlong sabado, dinalaw si Rebo ng tatay niya. Si Rebo daw ay unti-unti nang nanghihina. Bihira na raw ito ngumiti. Hindi na makuhang laruin ang beyblade. Humingi pa raw ito ng pera pambili ng kendi ngunit di niya rin naman ito nakain.

IKATLONG SABADO- Tuluyan nang nakalbo si Rebo. Kinumbida ng tatay ni Rebo ang kasama nito sa trabaho na magsuot ng mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Kahit hindi makatawa o makangiti si Rebo, makikita ang kasiyahan nito sa kaniyang mata.

IKAAPAT NA SABADO- Di na makuhang ipasok ni Rebo ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam ng tatay niya na pagod ni Rebo at hingal sa kanyang pagsasalita. Nang dinala niya ito sa karnibal, helicopter na nagtataas baba ang sinakyan lang nito. Pagkauwi ay humiga nang humiga at paulit ulit na tumingin sa kawalan si Rebo.

IKALIMANG  SABADO- Pumanaw na si Rebo. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mata at pagtirik ng mata. Ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Hinintay muna ni Rebo ang kaniyang ama na dumating tsaka siya nagpaalam dito. Namatay si Rebo sa bisig ng kaniyang ama.

IKAANIM NA SABADO- Huling sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal sa kaniya. Payapa na siyang nakahimlay sa kabaong kasama ang beyblade niya. Magkasamang tutungo sa lugar na kung saan walang gutom, walang hirap. Habang ang mga naiwan ay pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

Ang sabi ng aming guro, ang beyblade ay ang tumutukoy sa buhay natin..Sa una, itoĆ½ napakabilis at maybuhay pero habang tumatagal, unti-unti itong humihina hanggang sa hindi na nito kayang umikot pa. Isa din po pala itong buod :)

Wednesday, June 10, 2015

Si MAbuti

   Ang una namin gawain sa Filipino ay ang pagbubuod ng istoryang "Si Mabuti"sa pamamagitan nang pagsulat ng Simula, Gitna, at Wakas nito.Ito pala ang kinalabasan ng gawain namin.
SIMULA- Nagsimula ang lahat sa isang walang pintang paaralan na kung saan si Mabuti kinakitaan. Isa ito sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdanang umiingit sa bawat hakbang. Si Mabuti ang tawag sa kaniya pag nakatalikod at sa salitang iyon nagsisimua ang halos lahat ng kaniyang mga salita.
GITNA- Sa isang sulok ng silid aklatan, pinilit ni Fe na lutasin ang kaniyang suliranin sa pagluha at doon niya nailabas ang kaniyang emosyon. Nang bigla siyang lapitan ni Ms. Mabuti at tinanong siya nito kung ano kaniyang naging problema. Nakinig naman ito ng mabuti hanggang sa matapos nang magsalita si Fe. Bakas naman sa mukha ni Ms. Mabuti ang lungkot at mabigat na problema na kaniyang dinadala. Kinaumagahan, agad niyang naitago ang lungkot na nadarama matapos ang kanilang pag uusap kahapon. Habang silaĆ½ nasa klase ay binanggit ni Ms. Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na babae at ni minsan hindi nito nabanggit ang tungkol sa ama nito. Ibig ni Ms. Mabuti na maging doktor ang anak niya katulad ng ama nito. Nabalitaan niya nalang na isang araw na pumanaw na ang bata ngunit hindi ito sa tahanan ni Ms. Mabuti nakaburol. Mula noon, naintindihan ni Fe ang mga pangyayari...
Yan po ang nagawa kong buod. Pasensiya na nakalimutan ko ang may akda ng kwento.