Monday, February 29, 2016

Noli Me Tangere

   Matapos namin magreport, ay nagkaroon kami ng pagsusulit sa bawat kabanata. Matapos iwasto ang aming mga sagot, ipinapaliwanag sa amin ng aming guro ang bawat kabanata. Ang isa sa paborito kong Kabanata ay ang Kabanata 7: Suyuan sa Asotea. Dito kasi ay naperfect ko ang aming pagsusulit..Sa ibang kabanata ay hindi ko na maperfect.

Ikaapat na Markahan

   Ngayong markahan ay tungkol sa Noli Me Tangere ang aming lesson. Kami ay hinati sa tatlong pangkat at kada pangkat ay magkakaroon ng reporting tungkol sa kabanata na ibinigay sa kanila.
Ako ay nabilang sa Pangkat 3. Kami ay naatasan na magreport tungkol sa Kabanata 39-58. Maganda naman ang kinalabasan ng aming reporting. Noong unang araw ng reporting ay pinagalitan ng aming guro ang unang pangkat dahil hindi niya nagustuhan ang paraan ng kanilang pagkakareport.

Photography Shots

    Naglesson kami tungkol sa iba't ibang paraan ng pagkukuha ng litrato.
Extreme Wide Shot

Extreme Close Up

Medium Shot

Medium Close Up

Parabula

 Parabula naman ngayon ang aming lesson..
Ano ang parabula?
ü  Ang talinghaga o parabula ay isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya
ü  Nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maikling sanaysay tungkol sa buhay na maaaring mangyari o nangyayari na kung saan pagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal

ü  Maikling salaysay  na nasa anyong patula o prosa

Ikatlong Markahan

     Sa pagsisimula ng ikatlong markahan, nagkaroon kami ng isang pagsasanay... Ang nakuha kong marka ay 24/33...

Tanka at Haiku

     Ang lesson namin ngayon ay tungkol sa tanka at haiku.   
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon.
TANKA
Ø  Maikling awitin na puno ng damdamin
Ø  Nagpapahayag ng emosyon at kaisipan
Ø  31 ang tiyak na bilang ng pantig
Ø  May 5 taludtod. 3 sa mga taludtod ay may tigpipitong pantig samantalang tig- 5 pantig naman sa dalawa pa
Ø  Umusbong ng ika- 18 siglo
HAIKU
Ø  Bagong anyo ng pagbuo ng tula
Ø  Binubuo ng 17 pantig
Ø  Nahahati sa 3 taludturan
Ø  Kiru- cutting sa Ingles,kahawig ng sesura sa ating panulaan
Ø  Kireji- salitang paghihintuan o cutting word- kadalasang Matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso

Ø  Umusbong ng ika- 15 siglo

Hapon :)

Sa pagtalakay namin tungkol sa bansang Hapon, may mga kaalaman akong natutunan. Ito ang halimbawa ng mga natutunan ko.

AMATERASU- Sun Goddess

NIPPON/NIHON- Pinagmulan ng araw

AINU- Tao                     

SHINTO- Ang Daan ng Diyos

KAMI- Ang Diyos ng Kalikasan

SHINTOISM- Ang gawi ng Diyos


DHARMA- Aral ni Buddha

TENNO- Anak ng kalangitan

THE TALE OF GENJI, THE SHINING PRICE AND HIS ROMANCES- kauna-unahang nobela sa daigdig

KANA O HIRAGANA- Isang anyo ng pagsulat sa Japan


SHOGUN- Isang ranggo o minanang kapangyarihan bilang pinuno

Japan


   Ngayon ay nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa bansang Hapon. Nagpakita sa amin ng mga larawan ang aming guro at susubukan naming sabihin kong ano ito. Noong iwinasto na namin ang aming mga sagot, saka namin nalaman na nandoon pala sa mga litrato ang sagot. Napakaliit lamang ng pagkakasulat kaya hindi namin napansin. Sa kasamaang palad, akoý nakakuha lamang ng 5/12. Pero okay lang ito dahil itoý pagsasanay palang pala..

Ikalawang Markahan

Para simulan ang ikalawang markahan, nagkaroon kami ng isang pagsasanay. Magsasabi ito kung gaano na namin kaalam ang magiging lesson. Masaya ako dahil nakakuha ako ng 10/10. Maaaring natsamba ko lamang ang iba.

Pabula

Ngayong araw ay naglesson naman kami tungkol sa pabula. Nagbasa kami ng isang halimbawa nito. Nagkaroon din kami ng gawain na gumuhit ng isang hayop na maglalarawan sa iyong pagkatao. Ang aking ginuhit ay isang IBON. Bakit? Ito ay isang lihim.. :) 

PABULA
v  Mga kwento na hayop ang gumaganap
v  Tumutukoy sa pang araw-araw na buhay sa daigdig
v  Ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng kababalaghan
v  Hindi lahat gumaganap ay hayop (may tao o magkahalong hayop at tao)
v  Ipinapalagay na nagmula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C.
v  May paniniwalang ito ay nagmula sa India na hinago sa Panchatantra at Jatakas.

Tula

 Ngayong araw ay naglesson naman kami tungkol sa tula..

     TULA- isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipapahayag ang damdamin sa malayang pagsulsulat. Binubuo ito ng saknong at taludtod.
MGA URI NG TULA:
    A.     Ayon sa kaanyuan
    B.     Ayon sa kayarian
    C.     Ayon sa layon
    D.     Ayon sa pamamaraan
    E.      Ayon sa bias
    F.      Ayon sa kaukulan
AYON SA LAYON
Ø  Mapaglarawan- naglalarawan ng pagpapahalagao pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.
Ø  Mapagpanuto- namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod.
Ø  Mapang-aliw- nagbibigay- aliw o limilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay nagpapatawa, nanunudyo o isang masigasig na palaisipan.
Ø  Mapang-uroy- nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay.

ELEHIYA- tulang may kinalaman sa guniguni tugkol sa kamatayan.
Nagbigay sa amin ng gawain ang aming guro na gumawa ng tula ngunit nawala ang kopya ng ginawa ko kung kaya't hindi ko maibabahagi sa inyo ang aking gawa..